ABIAS, NELIE B. (Di-Nalathalang Masteral Tesis, Pamantasan ng Nueva Caceres, Lungsod ng Naga, 2001)
Pangunahing Ideya: Kasanayan ng Guro at Pagkatuto ng mga Mag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay pagsusuri at pag-uugnay ng kasanayang pampagtuturo ng guro sa pagtuturo, pagkatutuo ng mga mag-aaral sa Filipino IV ng Distrito 11 ng Camarines Sur.
Nilayon ng pag-aaral na ito na masagot ang sumusunod na katanungan: (1) Ano ang kasanayang pampagtuturo ng guro sa Filipino IV batay sa kasanayan sa pagtuturo, pamamatnubay, pangangasiwa at pagtataya? (2) ano ang antas ng pagtuturo ng mga mag-aaral sa Filipino IV batay sa marka sa pakikinig, pagssalita, pagbasa at pagsulat. (3) Ano ang makabuluhang pagkakaiba ng antas ng pagtuto ng iba't ibang paaralan. (4) May makabuluhan bang kaugnayan ang pagkakaroon ng kasanayang pampagtuturo ng guro sa antas ng pagkatuto ng mag-aaral?
Ang naging konklusyon ng isinagawang pag-aaral ay ang mga sumusunod: (1) Ang kasanayang pampagtuturo ng guro batay sa pagtuturo, pamamatnubay, pangangasiwa at pagtataya ay napakahusay. (2) Ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino IV batay sa marka sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat ay di-gaanong mahusay. (3) Walang makabuluhang pagkakaiba ang pagkatuto ng iba't ibang sangkot na paaralan. (4) May makabuluhang kaugnayan ang kasanayang pampagtuturo batay sa pamatnubay at pangangasiwa sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral maliban sa pagtataya na walang makabuluhang kaugnayan.