“ SALIK SA PAGPAPAUNLAD SA PAGTUTURO NG MGA GURO”

BADUYA, Maria Carla Narcissa L (di-nalathalang Masteral tesis, Pamantasan ng Nueva Caceres, Lungsod ng Naga, 2003)

Pangunahing Kaisipan: Mga Salik sa pagpapaunlad at Antas ng Pagtuturo

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy and mga personal at propesyunal na katangian ng mga guro at and kaugnayan nito sa pagtuturo ng Wika at Panitikan, Ingles at Filipino ng Camarines Sur State Agricultural College Taong Panuruan, 2001-2002. Ang mga sumusunod ay ang tiyak na katanungan. 1) Ano ang mga katangiang personal at propesyunal ng mga guro? 2) Ano andg mga antas ng pagtuturo ayon sa personal at propesyunal na katangian batay sa pananaw ng sarili, guro, tagapamahala at mga mag-aaral? 3) Anong mga katangiang personal at propesyunal ang mga kaugnayan sa antas ng pagtuturo?

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, nabuo ang mga sumusunod na konklusyon: sa personal na katangian, karamihan ng mga guro ay nasa 41-51 taong gulang, maliit na pamilya na 1-3 anak; sapat na kita at karaamihan ay may-asawa. Sa propesyunal na katangian, karamihan ay may mahabang taon ng pagtuturo;; natapos sa kursong pagtuturo at doctoral na kurso; may sahod na P12,000.00 – 13,000.00; dumadalo sa seminar, local, panrelihiyon at pambansa at may eligibility. Sa antas ng pagtuturo batay sa personal na katangian, ay napakahusay ayon sa pananaw ng sarili; guro at tagapamahala. Batay sa propesyunal na katangian sa pananaw sa sarili, guro at tagapamahala ay napakahusay. Batay sa mga mag-aaral ay mahusay. Ang mga katangiang personal: gulang, Kalagayang sibil, kita ng pamilya, at bilang ng anak ay walang kaugnayan sa mabisang pagtuturo at sa katangiang pampropesyonal, lahat ay may kaugnayan sa mabisang pagtuturo maliban sa posisyon at sahod na walang kaugnayan.