“ANG STORY GRAMMAR SA PAGTUTURO NG FILIPINOI”

IMIEN, FRANCIA M. Di-Nalathalang Masteral Tesis, Universuty of Nueva Caceres , Lunsod ng Naga, 2002.

Pangunahing Ideya: Story Grammar at Antas ng Kasanayan

Ang pag-aaral na ito ay naglayong magamit ang story grammar sa pagtuturo ng Filipino I upang malinang ang apat na kasanayan sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Sinuknipan High School, Del Gallego, Camarines Sur. May tatlong Katanungan na sinagot sa pag-aaral na ito (1) Ano ang antas sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa paunang pagsubok batay sa mga sumusunod na kasanayan: tlasalitaan, pagkakasunod-sunod ng pangyayari, pag-uugnay at pagkuha ng pangunahing kaisipan o komprehensyon? (2) Ano ang antas sa pagkatuto sa mga kasanayang binanggit pagkatapos gamitin ang naturang istrtehiya? (3) Ano ang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng mga kasanayan sa pagkatuto pagkatapos ng paggamit ng naturang istratehiya?

Batay sa ginawang pagsusuri sa pre-test, natuklasan ang mga sumusunod: (1) Sa pangkat control ang talasalitaan ay may 76%, pagkakasunod-sunod ng pangyayari 60%, komprehensyon 44% at pag-uugnay 88%. Sa pangkat eksperimental, ang talasalitaan ay 68%, pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari 96%, komprehensyon 52% at pag-uugnay 76%. Pagkatapos ng eksperimental na pag-aaral,natuklasan batay sa post-test, ang mga suusunod: (2) Sa pangkat control, ang talasalitaan ay 96%, pagkasunod-sunod ng mga pangyayari 60%, komprehensyon48% at pag-uugnay 100%. (3) Sa makabuluhang pagkakaiba, batay sa pre-test ang computed value 1.835mababa sa tabular value na 2.01 sa 5% antas ng pagkakaiba at sa 2.682 sa 1% sa antas ng kaibahan. Batay sa post-test, ang computed value ay 4.265 na mataas sa tabular value na 2.01 at 2.682 sa 5% at 1% antas ng makabuluhang pagkakaiba. Ito ay nagpatunay sa kabisaan ng paggamit ng story grammar sa pagpapataas ng antas ng kasanayan ng mga mag-aaral.

Narito ang mga sumusunod na konklusyon: (1) Sa pangkat control at eksperimental, parehong katamtaman ang antas ng pagkatuto ng mga respondyente sa talasalitaan, pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at komprehensyon. Gayundin sa pag-uugnay na kapwa na nasa mataas n antas. (2) ang apat na kasanayan ng pangkat eksperimental ay lahat nasa mataas na antas ng pagkatuto. (3) Walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan bago simulan ang pag-aaral at may makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kasanayan ng dalawang pangkat pakatapos ng pagtutoro ng story grammar.