“KUWENTONG BAYAN: BAKAS NG SOSYO-KULTURAL NA DIMENSYON”

GENIO, SHIRLEY A. Di- Nalathalang Masteral Tesis, University of Nueva Caceres , Lungsod ng Naga, 2000

Pangunahing Ideya: Pagpapahalaga sa mga Kuwentong Bayan

Ang pag-aaral na ito ay nauukol sa pagsusuri at pag-uugnay sa kasalukuyang panahon ng mga piling kuwentong bayan ng Camarines sur.

Nilalayon ng pag-aaral na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungan: (1) Ano ang mga paksang –diwa ng mga nilikom na kuwentong bayan? (2) Ano ang mga sosyo-kultural na dimension ang mababakas sa mga kuwentong ito? (3) Ano ang kaugnay ng mga sosyo-kultural sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan?

Ang naging konklusyon ng isinagawang pag-aaral ay ang mga sumusunod: (1) Ang mga paksang –diwa sa aksang sosyo-kultural na interaksyon ay patungkol sa mga pinanggalingan ng pangaln ng lugar ng camarines Sur. Ang mga paksang –diwa sa paksang paganong interaksyon at kristiyano ay patungkol sa malaking impluwensiya ng kastila sa pagpapalaganap ng relihiyong inihasik sa lipunang Bikolnon, ang paksang-diwa ay naaayon sa panlipunang pakikisalamuha; pakikibagay, pakikipag-ugnay at pag-ibig sa kapwa Bikolano na nagpalitaw sa katangiang mapangarapin, ambisyoso, matulungin at marunong tumanaw ng utang na loob. (2) Ang mga kuwentong bayan ay naglalarawan ng sosyo-kultural na katangian ng mga Bikolano sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa kalikasan at paraan ng pakitungo ng mga bikolano sa mga nanakop na kastila, ang mga kuwentong bayan ay nagtataglay ng mga kaugaliang pagrelihiyon at paniniwala sa kapangyarihan ng panginoon na nagsisilbing tulay ng mga bikolano sa pagyakap ng kristiyanismo, ang mga kuwentong bayan ay nagpakita ng mabuting relasyon ng mga Bikolano sa pamamagitan ng pagtanaw ng utang na loob, pagtulong sa mga nangangailangan at pakikliasangkot sa mga problemang panlipunan. (3) Ang mga katangian, kaugalian at paniniwala ay pinahahalagahan ng mga Bikolano sa kasalukuyang panahon ay may malaking kaugnayan sa sosyo-kultural na katangian ng mga nakalipas na panahon.