LOPEZ, Marivic S. Di-nalathalang Tesis, Universidad ng Nueva Caceres, Lungsod ng Naga .
Pangunahing Kaisipan: Pamahayagan sa Pagpapalaganap ng Katarungang Panlipunan
Inalam ng pag-aaral na ito ang kahalagaanhan ng pahayag bilang instrumento ng pang-unawa ng katarungang panlipunan. Sinagot ang mga tiyak na mga katanungan:
Anu- ano ang mga konseptong pangkatarungang pantao na nakapaloob samga pahayagan ayon sa mga sumusunod: pambata, pangkababaihan at pangmanggagawa? Anong dimensyong panlipunan ang tinalakay sa mga piling pahayagan sa pagpapahayag ng konseptong ito? Ano ang epekto ng mga pagpapahayag ng konseptong ito? Ano ang epekto ng mge pagpapahayag na ito sa lipunang bumabasa?
Batay sa kinalabasan, narito ang mga sumusunod na konklusyon: (1) Ang mga katarungang pambata ay mga karapatan para mabuhay, edukasyon, maayos an pamumuhay, tangkilik ng sariling pamilya at proteksyon laban sa pang-aaubso; sa katarungang pangkababaihan ay paghawak ng katungkulan, dangal at reputasyon, at proteksyong sekswal; sa katarungang pangmanggagawa ay maayos na paglilitis, tamang pasahod at pagtanggap ng benepisyo sa pinagtratrabahuhan. (2) ang mga binanggit na katarungan: pagpapahalaga sa karangalan, pantay- pantay na karapatan at pananagutan at katungkulang dapat gampanan. (3) Ang mga epekto ng mga pagpapahayag ay pagkagalit, pagtawag sa ahensyang kinauukulan at pagbibigay tulong at payo upang maisaaos at maitama ang mga paglabag ng mga katarungang pantao sa lipunan.